Kapag wala akong ginagawa, 'eto lang ang naisip kong gawin. Kadalasan, mas malapit pa kami ng pahinang 'to kaysa sa mga kaibigan ko. Dito kasi, nailalabas ang lahat ng walang pag-aalinlangan, at sigurado ako laging kampi sa akin ang mga sinusulat ko! Minsan 'yung mga kaibigan natin, di naiiwasan, nakakapagsinungaling sila sa atin, naisip ko... ang sulat ko, itong pahinang ito, di niya ako kayang pagsinungalingan, kailanman. Masarap kasing makipag-kuwentuhan sa sarili, at siyempre sa iba din. Lalo na kung KUWENTONG LAYAP!
Kasaysayan ng Kuwentong Layap
Nagsimula ang pahinang ito nang minsan, nung first year college ako sa UP Baguio, nasaktan ako ng todo, sobrang depressed. Hindi ko na iku-kuwento kung ano mga nangyari, pilit kong kinalimutan 'yun. Madaming akong kaibigan na laging nandoon sa tabi ko, pero sa blog na ito ko nakita 'yung hinahanap ko. Dati sa journal ko sinusulat lahat ng pasakit na mayroon ako sa loob, dati doon lang ako nagmumura, doon ko lang napapagalitan ang sarili ko - na matigas ang ulo.
Ang pinakaunang artik na naisulat dito ay tungkol sa kung paano ako nasasaktan sa araw na iyon, pero dahil sa takot ko na baka mabasa niya (di ko na babanggitin), binura ko at sa halip, pumasok ako sa school of acting - sa madaling salita nagmamaang-maangan! Scholarly ang unang artik na napaloob dito, di ko na matandaan kung anu-ano 'yung mga binura ko pero 'yung iba nasa journal ko pa.
Dahil malungkot 'yung una, siguro dala-dala nito hanggang ngayon, malungkot pa din. May mga sinusulat akong masasaya, pero kapus sa pakiramdam.
Hanggang ngayon, eto pa rin ang hingaan ko sa mga sama ng loob. Hanggang ngayon, siya pa rin ang nakakakilala sa akin kahit may mga panahong ako mismo, di ko kilala sarili ko. Kuwento ko lang 'yan, parang kuwentong layap.
Posted at 02:46 am by Zigcarlo
Permalink